Ian's Blog Corner

Monday, May 15, 2006

Laid Back again

Hai...School again..noon hate ko yung skul talaga pero nang nag highschool ako..bigla kong na realize na napakahalaga ng school sa buhay na isang tao lalo na sa mga kabataan tulad ko. Masaya ako pag nakikita kong masaya ang nanay ko although marami akong kasalanan sa kanya.Lumaki akong takot sa tatay ko.Hindi ko alam bakit pero patuloy pa rin yang tumatakbo sa isip ko. Siguro naging dahilan na rin sa maagang pagtataksil nya kay mama. Hindi ko naman masisisi sya kc wala akong control sa kanya. Hinayaan na lang ni mama. Mababaw lang ang luha nya kaya sa mga simpleng issue lang na pinaguusapan namin tungkol sa mga suliranin namin,madali syang naiiyak. Palagi ko siyang sinasabihan na wag umiyak para maipakita nya na strong siya. Pero hindi nya ito kaya.Talagang maiiyak siya. Siguro nga mas nakakabuti yung iiyak na lang ang lahat para mailabas nya ang problema at sakit na loob.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home